Friday, June 3, 2011

Nothing is so aggravating than calmness (Oscar Wilde)


Before anything else, follow-up muna about sa bone rongeur ko. Haha, nakita na ang ayaw mag-patulog na screw!!! May kuya daw na nakakita. Buti na lang nasabi ko yun kina kuya. Kundi, baka tinago lang nila yun or nilagay kung saan-saan. Haha, super saya talaga. Makakatulog na ulit ako. Basta next time, magtatanong na talaga ako. Haha... 


Anywayz, tomorrow would be Puerto Galera day! Ang usapan, dapat mamayang gabi nasa hospital na kami para maiwasan na ang late. Maaga kasi kaming aalis bukas. Kaya ang plano, tatambay na lang muna kami sa Blue Wave para mag pre-meds. Super excited na ako kasi marami kaming donated pocket money at free lodging! Kelangang sulitin ang 2 days na malayo sa amoy ng dugo at laman. 

Ang totoo, medyo disappointed ako pero hindi super. Kasi I was expecting na sasama yung isa naming friend na medyo malayo na. Although hindi rin ako masyado umasa na super makakasama ko sya kasi kasama rin namin yung kabarkada nya. Wala lang, I was just  missing the old days na magkakasama kami. Super masaya pa naman kasi kasama ko pareho yung 2 best friends ko pati yung isang senior na ka-close ko at kasama ko sa kalokohan at chismisan. 

Sana hindi bumagyo. Kasi sasakay kami ng bangka at para makapag-beach kami at banana boat!

No comments:

♥ Xerxes Break ♥
 I am the one who serves this dukedom... 
My name is Xerxes Break. By the way, this little one is Emily.