Thursday, June 16, 2011

When angry, count four; When very angry, swear.
(Mark Twain)


The other day, I was awakened by a text message from my friend to open our group's page. Meron daw kasing umamin kung ano ba talagang nangyari dun sa bx season 1.


At para hindi mag-mukhang nobela, gawin natin in bullet form with legends: I: Incident o Pangyayari, R: my Reaction, C: Conclusion!!!

I: May nakakita nga daw dun sa gunting while they were doing their rounds. 
R: May nakakita? Eh halos baligtarin namin ang buong complex wala naman kaming nakita. Wag nilang igiit na hindi kami nag-hanap kasi lahat ng drawer at cabinet nabuksan ko pero wala talaga. At hindi lang ako ang naghanap!
C: May nag-tago.

I: The one who found it gave it to the one in charged of things. But instead of telling us that they've already found it, they hid it from us to teach us a lesson.
R: Wow, so sa pagbabayad namin, matututo kami ng leksyon. Kaya lang hindi pa rin ako natuto ayon nga dun sa nagsiwalat.
C: Feeling righteous.

I:  May isang nag-lalabas ng sama ng loob dahil pinag-bibintangan daw namin sya na sya ang nag-tago.
R: Malamang sya ang mapagbibintangan, eh sya yung nadulas at sya lang yung nag-sasalita. Parang sya lang yung nakakaalam kaya malamang sya  nga yung mapaghihinalaan na nag-tago. Isa pa sya yung pilit na nag-open nung topic na yun at laging nag-tatanong kung nakabayad na ba daw kami. Sabi nga nung isang nakikisawsaw, misunderstanding lang at hindi nila kami masisisi. Kami na ang mali.
C: Defensive. Este, biktima pala. Kami na ang judgmental.

I: May isang nakikisawsaw na hindi ko alam kung pasasalamatan ko o kaiinisan ko. May mga post sya na pinatatamaan nya ang salarin at ang mga feeling righteous. Pero sa sunod nya namang post kala mo kung sinong napakabait  at mabuting kaibigan.
R: Pinagtatanggol nya kami kaso lang kung maka-react sya kala mo nag-bayad sya. 
C: Plastik...

I: Siniwalat ang mga panyayari at dinefend ang mga sarili. And then she condemned kung sino man yung tunay na salarin.
R: Wala akong masabi.
C: Hugas-kamay.

I: Etong post ko na toh.
R: Bahala na pag may nakadiskubre nito.
C: Patay ako. Magkita-kita na lang kami sa korte, este sa meeting. Good luck sa akin.

Ang totoo, pinagulo lang lalo ang sitwasyon. Nakakaasar. Sana hindi na lang inamin. Lalo lang tuloy lumayo ang loob ko sa kanya. At kung sino man yung nag-tago ng season 1 at season 2, mag-tago ka na at wag ka nang magpapa-kita. Ang dami mong buhay na ginulo!!!

No comments:

♥ Xerxes Break ♥
 I am the one who serves this dukedom... 
My name is Xerxes Break. By the way, this little one is Emily.