Thursday, May 26, 2011

"Care of" Day

Ano bang meron ngayon at puro care of ako? At ang totoo, puro instruments pa. Hindi tuloy ako matahimik dahil dun sa pangalawa. Akala ko, magiging payapa na ang araw ko dahil floater ako. Nilayo na nila ako sa DR at RR at binigyan ng case na ortho sa room 5. Akala ko talaga wala ng problema, pero meron pa rin pala.

Okay, dun muna tayo sa una. So for the 2nd time around, may nang-aswang nanaman ng gintong bandage scissors. At eto pa, ang malala, sa akin nawala! Ang totoo, ni hindi ko man lang nga nakita yung adik na gunting na yun. Eto kasi yung nreceive kong NSD. Ang sabi ng outgoing, nilagay nya daw dun yung  b.x., kaso nakalimutan nyang i-endorse sa kin. Ako, naman tiwala na normal NSD set lang yun. Ang dami pa rin kasing LR kaya dire-diretso ang pag-eendorse ng mga patient. Tapos ang nangyari pa, hindi ako yung nag-after care ng room dahil wala na akong panahon para mag-after care. Kaya hindi ko talaga nakita yung gunting na yun. Hindi rin ako yung nag-hugas kasi wala talaga akong oras. Meron pa rin kasi akong myomectomy. Ang totoo alam ko kung sino talaga ang nag-after care. Kaya lang baka sabihin pinag-bibintangan ko, kaya wag na lang. Ang sinabi ko, hindi ko alam. Anyways, so ano bang kasalanan ko sa b.x. na yun, at sa kin nanaman natapat? Samantalang wala talaga akong kaalam-alam. Pero siguro naman hindi magsisinungaling yung ka-endorse ko. Hati ang opinyon ng mga tao. May nag-sasabing kasalanan nung isa kasi hindi nya inendorse. Yung iba naman, ako daw kasi nireceive ko pa rin. Sabi pala nung residenteng nag-assist, andun nga daw yng bx pero hindi nagamit. Kasi hindi na kelangan. Hindi daw nila nagalaw at andun lang daw hanggang matapos. Hindi nalaglag sa basurahan o natago sa linen. Ayaw ko ng away kaya sige na lang. Kung mag-babayad eh di mag-bayad basta hati kami. Ang isa pa palang nakakaasar, 24 nawala yun pero night  na ng 25 nalaman. Kamusta naman ang endorsement? Mag-pakasaya na lang yung nag-tago.

Punta na tayong room 5. Syempre medyo may takot kasi nagttransform yung surgeon na yun pag ongoing na. At nakakatakot pag nag-kataon. Ako pa naman ang scrub. Nakahinga ako ng maluwag ng matapos ang case namin nang hindi ako nasisigawan o napapagalitan. Haha! Kaso umiral ang pagiging hesitant ko. Nung binalik kasi sa kin yung rongeur na double action, parang may mali. Hindi ko saya ma-lock. Super iniisip ko kung bakit ganun. Tiningnan ko pa ng matagal pero hindi ko rin maisip. Dumating pa sa point na itatanong ko na dun sa technician namin kung ganun ba talaga yun, pero ewan ko kung bakit hindi ko tinanong. As in ilang beses kong tinangkang itanong, parang may bumubulong na itanong ko na, pero hindi ako nag-tanong. Nang matapos na ang lahat-lahat, nalaman ko na kulang daw pala ng screw. Takte, asan na yung screw na yun? Hindi ko alam kung pano ko hahanapin. Paano kung nalaglag sa patient at hindi nila napansin? Tapos nai-sara nila at andun pa? Hindi lang ako patay dahil nasira yung rongeur. Mas patay ako dahil naiwan sa loob yung screw! As in tiningnan ko yung x-ray kaso hindi naman ako marunong tumingin. Pero tingin ko parang wala naman. Isa pa makikita naman nila yun, kaya siguro wala naman dun. Sana naman po mahanap yung screw. 

Kaasar. Bakit ba hindi ko kasi tinanong. Next time talaga mag-tatanong na ako. Outing pa naman namin next week. Sana kung machu-churva man ako, wag na akong paabutin ng Puerto Galera.

Lesson learned: MAGTANONG

No comments:

♥ Xerxes Break ♥
 I am the one who serves this dukedom... 
My name is Xerxes Break. By the way, this little one is Emily.