Ha! Too much happened because of my one comment due to hunger, tiredness and for feeling irritated for people who cannot stop complaining.
That day was very busy as in it might have been the busiest duty so far for me. People were tired and hungry and were all trying to finish everything so they could sign off already. After transferring all our patients from the Recovery Room to their own rooms, I started counting our E-meds. But then I suddenly remembered that there's still another procedure that was about to start and the person assigned to it wouldn't be able to handle it due to some circumstances. I decided to take a look to see what can I do to help when I heard someone yelled. Actually, it was more of "pasigaw". I did not say she was "nagsisigaw or nagwawala". Ang sabi ko, pasigaw. I was taken aback and decided to just continue on my own business. She was saying something about the anesthesiologist inducting and the patient having no monitors. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kin, siguro ang una kong na feel eh medyo nairita ako. Kasi super busy namin tapos may nagre-react na agad from someone na kapapasok pa lang.
Pag dating sa pantry, almost everyone was there and out of curiosity kung alam ba nila kung bakit may ganong nangyari, I told them about the incident. I said na naaawa ako dun sa naiwan kasi super toxic na nga sya tapos may ganong pang comment. Syempre yung 2 kanya-kanyang reaksyon din. "Hindi pa nga sya senior ganyan na sya." "Hindi ba nya nakitang sobrang busy?" "Sana pagka-pasok kasi nya pinuntahan na nya agad yung patient." and so on... Tapos nakidagdag pa yung nakakulay pink. Hanggang sa kanila nga daw tumaas ang boses. After that, she went looking for me to ask about a pack. I went inside to explain to her about it and what happened and told me something. She said that she's not mad or irritated dun sa naiwan. Sana lang daw may nag-asikaso, kasi may mga nakita daw syang wala nang ginagawa. May sinabi pa nga syang name. And then I went outside again and told them na "Hindi naman pala si ano ang pinaparinggan nya. Parang in general. May mga nakita daw kasi syang mga wala nang ginagawa. Tska baka nga na-toxic lang din sya at nabigla kaya tumaas ang boses."
I was very sure I said that kasi nga gusto kong bawiin yung previous comment ko. Ang unfair kasi for her. Hindi ko pa nga alam yung side nya nasabi ko na agad yun, tapos ang dami na nilang nasabi. Hindi man ako super sure kung sino yung mga andun, pero super sure ako about sa isang tao. Kasi sumagot pa nga sya ng "Sino naman yang in general, sana kasi mag-sabi sya names." Feeling guilty ka ba teh? - yan ang unang pumasok sa isip ko when I heard her say that.
Tapos akala ko tapos na. I had my off-night at pag-kapasok ko lumaki na ang issue. Nagkapasa-pasa na ang kwento at kung sino-sino na ang nadamay at nakidamay. Pinag-tagpi-tagpi ko ang kwento at lumabas na parang ako pala ang nag-simula ng lahat. Inamin ko na agad bago pa lumala. Inexplain ko yung side ko at thank God, ok naman kami. Sabi nya naniniwala daw sya sakin. Kaso nga pag naiipit na ang mga tao, laglagan na. Tinanggi daw nung 2 na binawi ko yung sinabi ko. Wala daw akong sinabi na hindi naman para sa naiwan yung reaction nya. So ako pa yung lumabas na nag-iimbento. Samantalang parang ang ginawa ko lang naman eh pinainan sila, kinagat naman nila ng mahigpit. Ang totoo, nobela?
No comments:
Post a Comment