First time I cried outside of my comfort zone in front of someone I least expected to see me cry. You know me. I'm such a cry-baby for tv series/drama, books, movies, anime and manga. But for real life experiences, I don't usually cry unless super sama ng loob ko. And as far as I can remember I've only cried due to family circumstances and when I lose someone I love (as in death), or when someone close to me is leaving. I don't cry because I failed an exam, or when I quarreled with my friends or when someone got angry at me big time. I also don't cry in front of friends. As far as I can remember I haven't cried in front of someone else except in front of my parents. I'm a little tough when it comes to real life problems and I don't want people to see me as iyakin due to problems. Pero last night, I broke my composure. Ayoko sana talagang umiyak, pero hindi ko na napigilan. Hindi naman super iyak. Konting tears lang kasi nga pinipigilan ko. Baka naman kasi sabihin nag-papaawa ako.
Kinausap kasi ako nung isa sa mga tumanggi. Wala daw talaga syang narinig na sinabi ko. Sabi ko, sya hindi ko sure kung andun, pero yung isa super sure talaga ako. Kasi nga naalala ko pa yung sinagot nya. Ate, hindi ako ganun ka desperado para mag-imbento. At hindi ko yun imagination. Hindi pa rin ako ulyanin para makalimutan ko yun. Sayang lang talaga hindi ko maalala kung sino-sino pa yung ibang andun. Hindi ko na rin nga maalala kung saan ko sinabi- kung sa pantry o sa lounge. Pero 100% sure ako na sinabi ko yun. Ngayon, kung tinanggi nya yun dahil nakalimutan nya o kinalimutan nya lang, bahala na sya. Masyado kasi silang nagpa-dala kaagad sa inis. Dapat talaga alamin mo muna both sides bago ka mag-react.
Alam mo yung, ako na nga yung may pinaka-onting sinabi at no harm intended, tapos ako pa pala yung napasama sa huli. Samantalang pag ako ang naglaglag sa kanila, mas malalala pa ang mangyayari dahil sa dami ng sinabi nila, which I won't do kasi alam kong I'm better than them. Anyway, tutal naman, kahit hindi ko naiintindihan, naniniwala daw sya sa kin pati yung isa nyang friend at friends ko. Ok na ako dun, at least walang tension sa min. Sana nga. Hindi ko pa kasi rin sya nakikita ulit. She just texted me about that. At sinabi nya talaga na naniniwala sya sakin. And I'm so thankful for that. And salamat din na according to them, eh tapos na daw ang lahat... Sana tahimik na ulit. Yun nga lang hindi kami nagpapasinan nung isa. Bahala na kung anong mangyayari. Subukan lang nyang tirahin ako, baka hindi ako makapag-pigil. Laglagan ba gusto nya? Baka hindi na sya makabangon sa mga sinabi nya.
Anyways, I feel so much hatred in me. Parang ako ba toh? Parang ang sama ko naman. Haayst manonood na lang muna ako ng Azkals. Ang totoo, nadadala ako. Kelangan tumitili. Hahaha.
No comments:
Post a Comment