Bakit kelangan sabay-sabay silang mag-datingan? From 6-9:30 AM wala akong ginagawa. Rounds tapos tinulungan ko lang yung partner ko sa Room 5. Tapos CS na kami. Nakapag-basa pa ako ng libro at natapos ko lahat ng papers ko. Tapos after ko mag-endorse, nag-simula na ang telepono. May dadalin daw na 8cms from ER. Buti na lang wala yung consultant kung hindi, tyak CS yun. Nag-kataon na merong consultant na naandun kaya sya na yung parang nag-relieve. Syempre toxic kasi fully effaced na daw yun. Pag rupture nun, mafu-fully dilated na. Nag-open na kami ng gamit. Tapos dali-daling pina-tap. Tapos nag-ring ulit ang telepono. May dadalin daw na service. Tapos kakababa ko lang ng fone, nag-ring ulit. From ER, may 22 wks na 1cm pero 80% effaced. Tapos dumating ang NIC namin para mag-abot ng papel. May susunduin daw kaming buntis sa taas. Tapos nag-ring ulit ang telepono at may dadalin daw ulit na service na for forceps delivery. Ang totoo teh? Sa loob ng dalawang oras na natitira sa shift namin, mapupuno namin ang LR. Buti na lang hindi nahatid lahat agad. Nag-table yung 8cms pag-dating ng anes. Yung partner ko ang humawak. Ako na daw muna bahala sa mga dadating. Pina-sedate yung 22wks. Maya-maya hindi na talaga kaya, pina-table na rin. Dahil wala pang anes, yung AAOD muna ang pinatawag. Hindi ko alam kung anong pinagaga-gawa ko at kung saan ako nag-punta at hindi ako ang nag-baby out. Nag-pasign ata ako ng consent sa mother na nag-painom ng Cytotec sa anak nyang 16 years old. Tapos yung itsura pa nya mukang alalang-alala sya. Kaasar. Pag dating ko, abortus. Wala talaga. Pero sabi nila, pag-labas brady pa daw sabi ng pedia tapos gumalaw pa daw.
Ang mas nakakaasar pa eh, nung binibigay na yung abortus sa lola nya eh, yung itsura ng lola nya mukang concern. Samantalang sya naman yung nag-painom ng Cytotec. Kung ayaw nila, sana hindi na nila inantay pang mabuo yung bata. Sana habang hindi pa kumokorte eh tinapos na nila. Pinahirapan lang nila. Biruin mo, sabi ng pedia brady... ibig sabihin buhay pa ng lumabas. May heartbeat pa. Sana makonsensya sila sa ginawa nila. Ang totoo teh, ethics ang morality ba ito? Affected?
Anyway, halos sabay kaming natapos ng partner ko. Buti na lang may mga junior na mabait at sila na ang nag-after care at nag-soli ng mga gamit at nag-ayos ng room. Buti na lang din hindi pa dumating kaagad yung ibang patient. Grabe, pag toxic, toxic talaga. Bakit ba kelangan sabay-sabay sila dumadating?
No comments:
Post a Comment