Para akong nag night na tinulugan ng mga ka-duty ko. Pano ba naman, junior na hindi pa marunong mag-DR and pinartner sakin. Tapos super bagal pa. Hinayaan ko na nga ng hinayaan syang mag-paanak kasi mas toxic sa LR. Gamot at IV kasi dun. Eh may anes naman ang mga table kaya ok lang. RR yung isa kong ka-batch tapos yung isa floater.Naintindihan ko naman yung isa kasi may case din sila sa kabila. Tapos medyo tumulong din after. Kaso yung isa, grabe. Nag-lalaro sa may info. Hindi man lang kami tulungan. Buti pa yung isang junior medyo tumutulong kahit wala pa ring alam. Ang sakit kasi sa ulo. Pwede namang magaan ang trabaho kaya lang may mga tao talagang insensitive. Tapos kung kelan uwian na saka lang naisip tumulong. Para daw makauwi na kami agad. Kaya lang dahil may pagka-toxic sya lalo lang na-toxic yung ka-partner ko. Imbis na turuan tinoxic pa. Haha. Nagkakatinginan na nga lang daw yung 2 junior tapos tahimik na lang yung isa na naiinis na.
Anyway, after nun, we went to Starbucks. At dun namin napag-kwentuhan yung about sa dumpsite. According daw sa isa naming kasama, para daw kaming nasa dumpsite... maraming plastic. Marami pa kaming napag-kwentuhang mga chismis tungkol sa mga tao at mga bagay-bagay. Tulad ng dapat alam mo kung kanino ka didikit at kung kanino mag-iingat... Mahirap talaga pag wala ka sa mga events... napagkkwentuhan. Haha... grabe kapagod...
No comments:
Post a Comment