Thursday, January 20, 2011

I really have to MOVE ON... seriously.

Wala na... wala ng atrasan toh. Kundi, kakainin ko lahat ng sinabi ko. Haha. Kasi naman. Alam mo naman siguro yung about sa katangahan ko diba? At kahit alam kong may ganong issue, at kahit lantaran ang pakikisama ko sa pag-confirm ng issue, eh deep inside nasasaktan ako at umaasang sana hindi totoo at sana ako na lang... Hahaha... joke lang... In other words, nababaliw na ko. 

Hindi na kasi kaya pang itago ang mga nangyayari. Marami ng tao ang nakakapansin. Kaya pati ako nakisali na rin at naki-issue. Para kasing pinag-pipilitan talaga nung isa ang sarili nya. Basta ang dami na kasing nangyari na ang hirap deadmahin. Like nung mga text na humihingi ng sorry pagkatapos nilang mag-laitan, mag-away sa mababaw na bagay at mag-pagalingan... Yung gift nung last birthday... Ang sabay na pag-pasok at pag-uwi nila kahit noon pa... Ang concern ni friend sa kanya... At yung defining point talaga na kung saan eh hindi ko na kinaya ang mga pangyayari eh yung article na mukang pilit pinag-siksikan ma-ifeature lang ang minamahal este ang taong yun kahit na walang konek yung article dun sa magazine. 

Haaysst... Kawawa naman ang friend ko. Hindi ko naman alam kung sino may mali. Hindi ko naman alam kung pinaasa nga ba o may umaaasa lang... Wala naman kasing nag-sasabi sa kin. At ayaw ko nang ungkatin sana kasi nga may masasaktan lang... kasama ako... Hahaha... broken hearted talaga ang drama ko. 

So since isa ako sa mga naniniwalang may something I could no longer get back on my words. Ibig sabihin, kahit ano pang asa ko, friends na lang talaga kami. Kasi  nga halimbawa, HALIMBAWA lang, na totoo palang may karapatan akong maging feelingera, tapos nalaman nila, o kaya naman malaman lang nila na crush ko pla, hindi ba parang ang labo ko nun? Naniwala ako at isa ako sa mga nang-intriga na bi sya tapos type ko pala sya...Hahaha... Eh di ako pa ang lalabas na baliw at kunwari pa... Eh di kakainin ko nga lahat ng sinabi ko pag nag-kaganun. Tapos marami pa akong maririnig. Hindi ko sinasabing mangyayari. I was just explaining kung paano ko nasabi na wala nang atrasan kundi kakainin ko lahat ng sinabi ko... Kaya ate, pag sinabing move-on, MOVE ON!!!

Wednesday, January 19, 2011

Dumpsite

Para akong nag night na tinulugan ng mga ka-duty ko. Pano ba naman, junior na hindi pa marunong mag-DR and pinartner sakin. Tapos super bagal pa. Hinayaan ko na nga ng hinayaan syang mag-paanak kasi mas toxic sa LR. Gamot at IV kasi dun. Eh may anes naman ang mga table kaya ok lang. RR yung isa kong ka-batch tapos yung isa floater.Naintindihan ko naman yung isa kasi may case din sila sa kabila. Tapos medyo tumulong din after. Kaso yung isa, grabe. Nag-lalaro sa may info. Hindi man lang kami tulungan. Buti pa yung isang junior medyo tumutulong kahit wala pa ring alam. Ang sakit kasi sa ulo. Pwede namang magaan ang trabaho kaya lang may mga tao talagang insensitive. Tapos kung kelan uwian na saka lang naisip tumulong. Para daw makauwi na kami agad. Kaya lang dahil may pagka-toxic sya lalo  lang na-toxic yung ka-partner ko. Imbis na turuan tinoxic pa. Haha. Nagkakatinginan na nga lang daw yung 2 junior tapos tahimik na lang yung isa na naiinis na.

Anyway, after nun, we went to Starbucks. At dun namin napag-kwentuhan yung about sa dumpsite. According daw sa isa naming kasama, para daw kaming nasa  dumpsite... maraming plastic. Marami pa kaming napag-kwentuhang mga chismis tungkol sa mga tao at mga bagay-bagay. Tulad ng dapat alam mo kung kanino ka didikit at kung kanino mag-iingat... Mahirap talaga pag wala ka sa mga events... napagkkwentuhan. Haha... grabe kapagod...

Saturday, January 8, 2011

Sakit ng DR

Bakit kelangan sabay-sabay silang mag-datingan? From 6-9:30 AM wala akong ginagawa. Rounds tapos tinulungan ko lang yung partner ko sa Room 5. Tapos CS na kami. Nakapag-basa pa ako ng libro at natapos ko lahat ng papers ko. Tapos after ko mag-endorse, nag-simula na ang telepono. May dadalin daw na 8cms from ER. Buti na lang wala yung consultant kung hindi, tyak CS yun. Nag-kataon na merong consultant na naandun kaya sya na yung parang nag-relieve. Syempre toxic kasi fully effaced na daw yun. Pag rupture nun, mafu-fully  dilated na. Nag-open na kami ng gamit. Tapos dali-daling pina-tap. Tapos nag-ring ulit ang telepono. May dadalin daw na service. Tapos kakababa ko lang ng fone, nag-ring ulit. From ER, may 22 wks na 1cm pero 80%  effaced. Tapos dumating ang NIC namin para mag-abot ng papel. May susunduin daw kaming buntis sa taas. Tapos nag-ring ulit ang telepono at may dadalin daw ulit na service na for forceps delivery. Ang totoo teh? Sa loob ng dalawang oras na natitira sa shift namin, mapupuno namin ang LR. Buti  na lang hindi nahatid lahat agad. Nag-table yung 8cms pag-dating ng anes. Yung partner ko ang humawak. Ako na daw muna bahala sa mga dadating. Pina-sedate yung 22wks. Maya-maya hindi na talaga kaya, pina-table na rin. Dahil wala pang anes, yung AAOD muna ang pinatawag. Hindi ko alam kung anong pinagaga-gawa ko at kung saan ako nag-punta at hindi ako ang nag-baby out. Nag-pasign ata ako ng consent sa mother na nag-painom ng Cytotec sa anak nyang 16 years old. Tapos yung itsura pa nya mukang alalang-alala sya. Kaasar. Pag dating ko, abortus. Wala talaga. Pero sabi  nila, pag-labas brady pa daw sabi ng pedia tapos gumalaw pa daw. 

Ang mas nakakaasar pa eh, nung  binibigay na yung abortus sa lola nya eh, yung itsura ng lola nya mukang concern. Samantalang sya naman yung nag-painom ng Cytotec. Kung ayaw nila, sana hindi na nila inantay pang mabuo yung bata. Sana habang hindi pa kumokorte eh tinapos na nila. Pinahirapan lang nila. Biruin mo, sabi ng pedia brady... ibig sabihin buhay pa ng lumabas. May heartbeat pa. Sana makonsensya sila sa ginawa nila. Ang totoo teh, ethics ang morality ba ito? Affected?

Anyway, halos sabay kaming natapos ng partner ko. Buti na lang may mga junior na mabait at sila na ang nag-after care at nag-soli ng mga gamit at nag-ayos ng room. Buti na lang din hindi pa dumating kaagad yung ibang patient. Grabe, pag toxic, toxic talaga. Bakit ba kelangan sabay-sabay sila dumadating?

Saturday, January 1, 2011

Angel's Flare



Happy New Year!

Anyway, this is going to be my new blog. Wala lang. Maiba naman. Since I currently love angels, I decided to make an angel-inspired/themed blog. And while browsing the net, I found this fabulous site with angel arts, where I got the image for my banner. So, the Angel of Fire isn't my work. I found it here: Angel Artworks and great thanks to its wonderful artist Noldofinve, even though I don't know her. Anyway, Since I like the color red and things that go with it, like fire, light and stuff, I thought of the name Angel's Flare.

I'm not sure I would be able to write in here regularly but I'll try my best to blog as much as I can. I'm somehow busy nowadays because I've been reading books and manga and there are a lot of drama and anime titles in my watch list. And as you can see, I don't have any inspiration right now. Hahaha... Anyway, may all of us have a blessed New Year ahead!
♥ Xerxes Break ♥
 I am the one who serves this dukedom... 
My name is Xerxes Break. By the way, this little one is Emily.