Me and my partner just fought another war this morning. Actually, pagka-pasok ko pa lang at nang malaman kong twin pregnancy yung nasa loob, alam na... Traumatic kasi ang una kong twin pregnancy na patient. Haha... Kasi yung una, NSD si Baby A. Pag dating kay B, biglang sumigaw ng stat CS! Eh medyo magulo nun kasi ang daming using residente. Hindi ko rin alam kung bakit block buster kami nun. Kaya medyo nahirapan kaming kumilos kasi kelangan pa naming palabasin silang lahat para makagalaw kami. Kaya kanina, naisip ko... ay sows... Bakit hindi na lang i-CS para mas madali ang buhay. Ayun, nag-table ng 7cm. Pag dating ng doctor mga 8 cm na ata, una daw ang cord. Syempre may sumigaw na ng stat CS! At dahil masikip dun sa suite, hindi ko alam kung pano nga ba kami nakakilos nun. Buti may isang nag-aantay sa kabilang suite na CS. Kaya ayun, katakot-takot na hilahan ng gamit ang nangyari. Pati yung TAHBSO sa kabila, nahilahan din ng gamit. Grabe talaga. Buti sanay na din mag-DR yung partner ko kahit junior. Ang sakit sa ulo. Buti na lang medyo na-late yung consultant namin. Kaya kahit pano, nakatulong ako sa twins. Masaya mag-paanak at mag-foot print ng bata. Pero hindi masaya pag ganun ka-toxic! Tapos nag-kakagulo na nga, nakakatawa pa yung iyakan ng mga bata. Parang may pusa. Haha... 4 ba naman sila kanina. Natawa tuloy ako dun sa Nursery Staff. Kasi lahat dun ang cord care. Nung nag-baby out kami, sabi ko sa staff: Mam, dito daw po iccord care yung isa. Tawag na lang po ako ng isa pa sa taas? Sabi nung staff: Ay hala, wag na. Kaming 3 lang ang staff. Wala na dun. Haha... Ang toxic talaga kanina. Buti hindi halimaw yung mga doktor kanina. Hahaha...
No comments:
Post a Comment