Thursday, May 26, 2011

"Care of" Day

Ano bang meron ngayon at puro care of ako? At ang totoo, puro instruments pa. Hindi tuloy ako matahimik dahil dun sa pangalawa. Akala ko, magiging payapa na ang araw ko dahil floater ako. Nilayo na nila ako sa DR at RR at binigyan ng case na ortho sa room 5. Akala ko talaga wala ng problema, pero meron pa rin pala.

Okay, dun muna tayo sa una. So for the 2nd time around, may nang-aswang nanaman ng gintong bandage scissors. At eto pa, ang malala, sa akin nawala! Ang totoo, ni hindi ko man lang nga nakita yung adik na gunting na yun. Eto kasi yung nreceive kong NSD. Ang sabi ng outgoing, nilagay nya daw dun yung  b.x., kaso nakalimutan nyang i-endorse sa kin. Ako, naman tiwala na normal NSD set lang yun. Ang dami pa rin kasing LR kaya dire-diretso ang pag-eendorse ng mga patient. Tapos ang nangyari pa, hindi ako yung nag-after care ng room dahil wala na akong panahon para mag-after care. Kaya hindi ko talaga nakita yung gunting na yun. Hindi rin ako yung nag-hugas kasi wala talaga akong oras. Meron pa rin kasi akong myomectomy. Ang totoo alam ko kung sino talaga ang nag-after care. Kaya lang baka sabihin pinag-bibintangan ko, kaya wag na lang. Ang sinabi ko, hindi ko alam. Anyways, so ano bang kasalanan ko sa b.x. na yun, at sa kin nanaman natapat? Samantalang wala talaga akong kaalam-alam. Pero siguro naman hindi magsisinungaling yung ka-endorse ko. Hati ang opinyon ng mga tao. May nag-sasabing kasalanan nung isa kasi hindi nya inendorse. Yung iba naman, ako daw kasi nireceive ko pa rin. Sabi pala nung residenteng nag-assist, andun nga daw yng bx pero hindi nagamit. Kasi hindi na kelangan. Hindi daw nila nagalaw at andun lang daw hanggang matapos. Hindi nalaglag sa basurahan o natago sa linen. Ayaw ko ng away kaya sige na lang. Kung mag-babayad eh di mag-bayad basta hati kami. Ang isa pa palang nakakaasar, 24 nawala yun pero night  na ng 25 nalaman. Kamusta naman ang endorsement? Mag-pakasaya na lang yung nag-tago.

Punta na tayong room 5. Syempre medyo may takot kasi nagttransform yung surgeon na yun pag ongoing na. At nakakatakot pag nag-kataon. Ako pa naman ang scrub. Nakahinga ako ng maluwag ng matapos ang case namin nang hindi ako nasisigawan o napapagalitan. Haha! Kaso umiral ang pagiging hesitant ko. Nung binalik kasi sa kin yung rongeur na double action, parang may mali. Hindi ko saya ma-lock. Super iniisip ko kung bakit ganun. Tiningnan ko pa ng matagal pero hindi ko rin maisip. Dumating pa sa point na itatanong ko na dun sa technician namin kung ganun ba talaga yun, pero ewan ko kung bakit hindi ko tinanong. As in ilang beses kong tinangkang itanong, parang may bumubulong na itanong ko na, pero hindi ako nag-tanong. Nang matapos na ang lahat-lahat, nalaman ko na kulang daw pala ng screw. Takte, asan na yung screw na yun? Hindi ko alam kung pano ko hahanapin. Paano kung nalaglag sa patient at hindi nila napansin? Tapos nai-sara nila at andun pa? Hindi lang ako patay dahil nasira yung rongeur. Mas patay ako dahil naiwan sa loob yung screw! As in tiningnan ko yung x-ray kaso hindi naman ako marunong tumingin. Pero tingin ko parang wala naman. Isa pa makikita naman nila yun, kaya siguro wala naman dun. Sana naman po mahanap yung screw. 

Kaasar. Bakit ba hindi ko kasi tinanong. Next time talaga mag-tatanong na ako. Outing pa naman namin next week. Sana kung machu-churva man ako, wag na akong paabutin ng Puerto Galera.

Lesson learned: MAGTANONG

Tuesday, May 24, 2011

Puro Bebe Nanaman!

Ang totoo, ayaw akong tantanan ng mga nanganganak. Kelangan bang pangatawanan ang pagiging toxic sa DR? Tapos may kambal nanaman kanina. Footling breech kaya ayun, stat CS. At lahat sila kanina, Baby Boy! So ang nangyari, may NSD ako, stat CS yung partner ko. Tapos Myomectomy ako, stat CS ulit yung partner ko. May konting break pero hindi pa rin enough para matapos namin ang papers namin. Labo-labo talaga yung LR namin kanina. Haha... Tapos NSD ako na muntik pang ma-CS dahil super tagal naka-table ayaw bumaba ng bebe. Yung partner ko Vaginal Hysterectomy, tapos may stat CS ulit at buti pinahawak sa iba. Grabe na talaga. Muntik pa akong ma-straight kanina. Kasi nga super sakto lang sila, eh ako on-call. Kung na-CS yung patient ko, straight talaga ako. Buti kung OT lang. Eh super pagod na talaga ako at ang sakit na ng ulo ko. Buti na lang talaga. Hahaha... As in na ba-bad trip na ako kanina kasi ayaw pang lumabas ng bebe. Pati yung anes parang naiinis na rin kasi sa kanya din yung Vag Hyst. Buti na lang talaga. Tapos ang totoo, nakita ko yung logbook, puro pangalan ko yung nakalagay since yesterday. Nag-iba lang yung partner ko. Grabe talaga. Epekto ba yun nga double off ko at payback time para sa mga chillux kong duty? Tapos off na ulit ako bukas. Kamusta naman kaya pag-balik ko?

Monday, May 23, 2011

WarZone

Me and my partner just fought another war this morning. Actually, pagka-pasok ko pa lang at nang malaman kong twin pregnancy yung nasa loob, alam na... Traumatic kasi ang una kong twin pregnancy na patient. Haha... Kasi yung una, NSD si Baby A. Pag dating kay B, biglang sumigaw ng stat CS! Eh medyo magulo nun kasi ang daming using residente. Hindi ko rin alam kung bakit block buster kami nun. Kaya medyo  nahirapan kaming kumilos kasi kelangan pa naming palabasin silang lahat para makagalaw kami. Kaya kanina, naisip ko... ay sows... Bakit hindi na lang  i-CS para mas madali ang buhay. Ayun, nag-table ng 7cm. Pag dating ng doctor mga 8 cm na ata, una daw ang cord. Syempre may sumigaw  na ng stat CS! At dahil masikip dun sa suite, hindi ko alam kung pano nga ba kami nakakilos nun. Buti may isang nag-aantay sa kabilang suite na CS. Kaya ayun, katakot-takot na hilahan ng gamit ang nangyari. Pati yung TAHBSO sa kabila, nahilahan din ng gamit. Grabe talaga. Buti sanay na din mag-DR yung partner ko kahit junior. Ang sakit sa ulo. Buti na lang medyo na-late yung consultant namin. Kaya kahit pano, nakatulong ako sa twins. Masaya mag-paanak at mag-foot print ng bata. Pero hindi masaya pag ganun ka-toxic! Tapos nag-kakagulo na nga, nakakatawa pa yung iyakan ng mga bata. Parang may pusa. Haha... 4 ba naman sila kanina. Natawa tuloy ako dun sa Nursery Staff. Kasi lahat dun ang cord care. Nung nag-baby out kami, sabi ko sa staff: Mam, dito daw po iccord care yung isa. Tawag na lang po ako ng isa pa sa taas? Sabi nung staff: Ay hala, wag na. Kaming 3 lang ang staff. Wala na dun. Haha... Ang toxic talaga kanina. Buti hindi halimaw yung mga doktor kanina. Hahaha...

Friday, May 6, 2011

My world was, and is, me and death.

Meridian by Amber Kizer was a so-so book for me. I wasn't happy nor disappointed with it. Again, I picked up this book because of the involvement of angels. In this novel, Meridian, the main character, is a Fenestra -the half-angel, half-human link between the living and the dead. The moment I finally understood what a Fenestra is, Fallen Angel by Heather Terrell  came into my mind. According to Kizer's  novel, a Fenestra is a Window to the Afterlife. Fenestras like Meridian, help the souls of the dead pass through the window to the afterlife. If a soul fails to pass through, it is either reincarnated until it can pass through or lost and becomes a ghost or something like that. While in Terrel's novel, the fallen angels who were trying to have redemption are the ones facilitating the after life journeys of the dead. And in both novels, the antagonists/ villains were trying to snatch away those souls. 

Maybe they weren't really so similar but because of these, I could not help comparing them.  Unlike FA, which is like made up of 85% romance, 10% explanations, and 5% of the other stuffs, M focused more on the explanation part and lesser romance except for the last parts. But I'm not saying M is better because of that. Actually, it  somehow bored me because of too much explaining done. If Meridian is trying to fulfill her  duty as a Fenestra, I think it would be better if they focused more on practical applications rather than explaining things to her. And take note, everyone was explaining things to her - her mother, Auntie and Tens. It felt like, the author did not like describing so much action so she decided for the characters to just talk and talk and explain things to Meridian. 

It also felt like she was skipping things. For example, when their pet Custos was injured, it was like the next day she's okay already since she's moving around a lot, and her wound wasn't mentioned anymore. The last few chapters were also happening so fast and  everything was very convenient for the protagonists. Perimo was hunting them so they needed a place to hide. They entered a secret passage which led to a cave filled with supplies and other amenities they needed including toilet and bathroom, which according to Tens, was made by Charles. And then a few hours after, Perimo just found them which started the final battle for this installment. But since Tens was sick, Meridian decided to let Custos out to ask for help. And for their convenience, Josiah came to the rescue and shot Perimo. Then SeƱora Portalso and her doctor daughter came to save Tens. And luckily, according to them it was just Rocky Mountain Spotted Fever and not poison of some kind. And then  Sarah came after to give them their pick-up truck and just decided to walk back home so they can escape the town. And so they left the Revelation with Custos looking for another Fenestra...The End...

Over all, I find Meridian more bearable than Fallen Angel. Sorry for comparing it. They were just the first books that somehow did not go with my expectations. And I actually thought that YA books, especially those about angels would not bore or disappoint me up to the point that I have to blog  them so that I can write  about my frustrations.

Well, that's life. Maybe they weren't just my taste.
♥ Xerxes Break ♥
 I am the one who serves this dukedom... 
My name is Xerxes Break. By the way, this little one is Emily.