LoL. Actually kanina ko lang napansin yun. We ate breakfast at Jollibee kasi and we were exchanging stories. And then I said something with nung isang bes. Pinansin nung kasama ko. Yun pala, some people were trying to correct her when she is saying isang bes. Ano daw yung bes? Dapat isang beses. Bakit daw bitin. Ewan ko. Basta hindi nila alam yung bes. Parang mali. Dapat beses. Kahit isa pa yan o marami, dapat beses. Kasi tagalog daw yun. Tapos natawa kami kasi may explanation sya. Kasi daw, ang beses ay plural form ng bes. Kaya pag isa lang - bes; pag madami - beses. Tawa talaga kami ng tawa. Actually hindi ko yun napapansin. At ngayon lang may nag-sabi sakin about dun. Siguro whenever I say that phrase, parang mabilis lang kaya hindi halata na bitin. Naisip ko, siguro ganun sa Cavite. Syempre kahit pare-pareho kaming Tagalog, may mga salitang kaka-iba din. And then sabi nung isa kong kasama napansin nga din daw nya yun sa mga ka-batch nyang tga- Cavite rin. Haha... natatawa na lang kami kanina...
Anyway, konti na lang matatapos na ang night duty. Feeling ko ang dami kong care-of kanina. Kasi 7am na ko natapos. Nag-toxic kasi kami ng mga bandang 2am onwards. Sabay 2 CS, tapos may nakikigulong NSD service. Tapos may umextra pang ex-lap AP. Tapos ang dami pang nag-sick leave at kung anu-ano pa. Tapos nag-hatid pa ko at nag-sundo. Hindi na nga ako nakapag-bilang. Nag-churva na lang ako. Haha... Off pa naman ako. Bukas ko pa ng gabi malalaman kung anong nangyari. Bahala na. Aligaga pa kasi. Grabe naman kasi sila mag-sabay-sabay. Wala man lang konsiderasyon. Pwede namang gawin ng maaga hindi pa ginawa. Eh dun din naman ang punta nun.
3 comments:
Very funny, Esha. Fyi lang, there is no such word as "bes." yung friend mo, nagkamali. Ina-apply niya yung English composition rules sa Tagalog. Something that can sound rational, pero mali. Sa Tagalog, walang pluralism. You simply can't add an "s" to a word and then convert it as plural. And word na "pambura," para maging plural, kailangan mong mag add ng preposition i.e. "mga" pambura. Hindi mo pwedeng sabihin "pamburas." So sa salitang "beses," that is the correct word. No such word as "bes."
Two times na akong nakarinig ng nagsabi ng usa ka bes
When Filipinos speak tag-lish. Its correct. But it's not tagalog. Bes comes from the spanish word VES. Una ves is one time. Dos veses is two times perhaps the person's that use the word ves in tagalog may have a spanish heritage but it doesn't mean they are wrong for using bes. The people that notice it obviously understands it.
Post a Comment