Let me quote first one of my good friends whom I saw a while ago before I went to duty. He said "may mga taong nabubuhay sa kanya-kanyang panaginip... "
Ay nako... napakasamang comment. Haha... Kaasar ang kapal talaga ng face. LoL. Nagkita kasi kami sa labas, pareho kaming papasok. Instead of taking the elevator, sinabayan nya akong umakyat ng stairs. Grabe na-miss ko talaga sya. Eh diba nga kasag-sagan ng issue ng alam mo na... So ganito ang naging conversation namin...
me: Birthday ni ano kahapon ah.
him: O, ano naman.
me: Grabe naman. Kamusta naman kayo?
him: Ha?
me: Wala lang...
him: Alam mo ikaw, may mga naririning ako ha. Akala mo ba hindi ko alam yung mga pinag-uusapan nyo?
me: Kasi naman, bakit ayaw nyo pang umamin?
him: Anong aaminin? Pati ba naman ikaw? Hindi ko akalain na pati ikaw...
me: Eh kasi naman... Parang kawawa naman yung isa. Paasa ka ata eh...
him: Anong paasa? Eto tandaan mo, may mga taong nabubuhay sa kanya-kanyang panaginip...
me: Grabe ka naman... Ang sama mo.
Naaawa na tuloy ako dun sa kaibigan ko. Kasi parang umaasa pa sya. Hindi ko alam kung pinaasa ba sya o sya lang ang umaasa. Kasi based sa mga nangyari, parang pinaasa. Kasi naging close sila dati. Tapos kahit lagi silang nag-aaway parang front lang nila. Basta parang ang dami kasing nangyari na kung hindi mo sila talaga kilala, yun yung maiisip mo. Hindi ko naman kasi matanong yung isa. Muka kasing gusto nang mag-move on. Pilit kinakalimutan. Yung isa naman, sisigawan lang ako. Hahaha... Ang labo talaga ng mga kaibigan ko noh?
No comments:
Post a Comment