Saturday, February 19, 2011

Even in my dreams, Kinikilig at ♥-broken pa rin ako

Ako na. Ako na ang hindi maka-move on at gustong nasasaktan. Kaya pati sa panaginip ayaw akong patahimikin.

I'll just tell about my dream last night. So I'm from duty and then we met. He asked me out for lunch or dinner I'm not sure. We ate at KFC and I was like so kinikilig. Dalawa lang kasi kami. Tapos we saw daw some of other friends sa kabilang table pero deadma lang. Basta kumakain kaming dalawa tapos kinikilig ako. After nun, he gave me some papers, ibigay ko daw kay friend. At dahil sa nangyari yesterday, I asked him kung anong gusto nyang ipasabi kay friend. I forgot about the first word pero the second was like buwan-buwan which I interpreted as parang nami-miss nya sya lagi or something. Hindi ko rin gets pero ganun yung interpretation ko daw sa sinabi nya. At syempre mapag-panggap ako kaya kunwari kinikilig daw ako for them. Pero ang totoo deep inside, nasasaktan ako. Haha... Tapos cousin ko pa daw si friend. Tapos hinahanap ko daw yung time card para sabay na kaming umuwi kasi nga pinsan ko daw sya. Pero hindi ko daw makita yung time card nya. Tapos nagising na ko. 

Haayst. Miss ko na talaga sila pareho.

Friday, February 18, 2011

Kanya-kanyang Panaginip

Let me quote first one of my good friends whom I saw a while ago before I went to duty. He said "may mga taong nabubuhay sa kanya-kanyang panaginip... "

Ay nako... napakasamang comment. Haha... Kaasar ang kapal talaga ng face. LoL. Nagkita kasi kami sa labas, pareho kaming papasok. Instead of taking the elevator, sinabayan nya akong umakyat ng stairs. Grabe na-miss ko talaga sya. Eh diba nga kasag-sagan ng issue ng alam mo na... So ganito ang naging conversation namin...

me: Birthday ni ano kahapon ah.
him: O, ano naman.
me: Grabe naman. Kamusta naman kayo?
him: Ha?
me: Wala lang...
him: Alam mo ikaw, may mga naririning ako ha. Akala mo ba hindi ko alam yung mga pinag-uusapan nyo?
me: Kasi naman, bakit ayaw nyo pang umamin?
him: Anong aaminin? Pati ba naman ikaw? Hindi ko akalain na pati ikaw...
me: Eh kasi naman... Parang kawawa naman yung isa. Paasa ka ata eh...
him: Anong paasa? Eto tandaan mo, may mga taong nabubuhay sa kanya-kanyang panaginip...
me: Grabe ka naman... Ang sama mo.

Naaawa na tuloy ako dun sa kaibigan ko. Kasi parang umaasa pa sya. Hindi ko alam kung pinaasa ba sya o sya lang ang umaasa. Kasi based sa mga nangyari, parang pinaasa. Kasi naging close sila dati. Tapos kahit lagi silang nag-aaway parang front lang nila. Basta parang ang dami kasing nangyari na kung hindi mo sila talaga kilala, yun yung maiisip mo. Hindi ko naman kasi matanong yung isa. Muka kasing gusto nang  mag-move on. Pilit kinakalimutan. Yung isa naman, sisigawan lang ako. Hahaha... Ang labo talaga ng mga kaibigan ko noh? 
♥ Xerxes Break ♥
 I am the one who serves this dukedom... 
My name is Xerxes Break. By the way, this little one is Emily.